Saturday, April 29, 2017

Coco-Moringa Oil for Over Weight

May kaibigan ako na may problema sa kalusugan sanhi ng biglaang hindi pagiging balanse ng hormons niya. Nakita ko mismo ang picture niya ng nung 19 years old at payat siya at may magandang kalusugan maliban sa pamisan-minsan na pagsumpong ng asthma niya.

Sa di malamang dahilan, nung papasok na ng 20 ang edad niya (22 na siya ngayon), bigla ang unti-unting pagtaba niya hanggang hindi na proportion iyong taba niya sa height niya. Nasa 4'11 lang siya at ang bigat niya ay nasa 80+. 


Minsan dumating sila ng asawa niya sa bahay at napansin ko maputla siya at nangingitim and eyebugs niya. Sabi niya galing daw siya sa hospital at naconfine ng isang linggo dahil naging irregular na din ang mense niya tapos bulwak ang dugo na lumalabas sa kanya kasi may kasama ng fresh blood. Sinalinan siya ng dugo at nagkaroon siya ng iron deficiency. Kung di siya kumain ng marami ay nahihilo siya. Kung reglahin siya inaabot siya ng isang buwan na walang tigil. 

Iyong asthma niya ay lalong lumala dagdag pa ang nalalagas ang buhok at skin allergy. Naawa ako kasi ang bata pa niya para danasin niya ang kung ano-anong sakit. 

Nung inoferan ko siya ng Coco-Moringa Oil, dahil kaibigan agad namang nagtiwala. Bago ko siya inoferan ng Oil eh since na palagi naman siya silang magasawa sa bahay, minsan pag nagluluto ako ng malunggay na gulay eh tuwang-tuwa na kumain. Hindi ko siya kinumbinsi na inumin ang oil at sabi ko ipahid niya lang sa puson niya, sa balat niya at sa leeg niya para maibsan ang asthma niya.

Dahil kaibigan namin siya eh nagtiwala siya na wala namang mawawala kung inumin niya dahil kumakain naman daw siya ng malunggay at kumakain naman daw siya ng gata pag hinalo sa gulay. Unang pagsubok niya ay nagkataong sisipunin siya at bahing ng bahing. Since na may asthma siya eh nakikita kong nahihirapan siya. Kumuha ako ng mainit na tubig pinatakan ko ng 20 drops na oil at parang banyos na itinutok niya ang mainit natubig sa mukha niyang nakatakip. Mga 10 minutes niyang ginawa at pawis na pawis nung natapos.

Mga ilang minuto lang, bigla siyang inantok. Dahil sanay na siya sa bahay, pinahiga ko siya at nakatulog. Pagkagising ang laking ginahawa na daw ng pakiramdam niya. Ang isinunod niyang ginawa kahit sabi ko nga ipahid niya lang eh ininom niya ang coco-moringa oil. Mga 20 drops kung inumin niya maliban pa sa hinahalo niya sa pagkain kasi nga gusto niyang gumaling. Kumuha siya sa akin ng 5 bottles na 30ml at di nagpunta sa bahay ng mga two weeks.

After two weeks, dumating silang magasawa at nasa pinto pa lang siya ang unang sabi niya nag LBM daw siya. Tinanong ko kung bakit at sabi eh dahil daw sa oil. Kinabahan ako at nagalala saka niya ako tinawanan at pati asawa nakitawa na din. Sabi ng asawa eh paano daw na di magbawas ng isang oras eh sa loob ng tatlong araw eh halos maligo daw ng oil. Wala naman daw siyang naramdaman na masakit kahit sunod-sunod ang pagbabawas. Tapos sabi niya ang napansin niya sa pagbabawas niya eh may mga kasamang parang puti na kasama ng dumi niya. Sabi ko siguro mga excess fats iyon. Pero ang malaking ikinatuwa niya eh sa nangyari nabawasan ng 15 kilos ang timbang niya! Iyong allergy niya di na tulad ng dati, iyong asthma niya di na siya inatake, di na naglalagas ang buhok, at higit sa lahat iyong pagiging iron deficient niya eh naging okey na.

Nung nagpacheck up siya sa doctor (routine chech-up) eh nagulat ang doctor kasi naging okey na ang dugo niya, regular na ang mense niya, at ang pills na ibinigay ng doctor na iron eh di niya ininom simula nung inumpisahan niyang gamitin ang coco-moringa oil. 

Marami pa ang ikukuwento ko na karanasan ng mga kaibigan ko na nakagamit na ng coco-moringa oil pero sa mga susunod na post ko na.

Para lalong maintindihan ang bisa ng oil kahit na ipinapahid lang mangyari po na bisitahin ninyo ang pinost ko sa blog ko na ito. 

Maraming salamat po sa mga nagtiyagang magbasa at hanggang sa susunod.

No comments:

Post a Comment