Saturday, April 29, 2017

Gaano Katagal Bago Gumaling Sa Coco-Moringa Herbal Health Oil?

Ang Coco-Moringa Oil ay gawa sa natural na pananim at walang kahit anong sangkap na kemikal para lang mapadali ang bisa ng langis at mapadali ang paggaling ng gagamit. Ito ay gawa sa tunay na Moringa o Malunggay at langis ng tunay na niyog (coconut). Hindi hinaluan ng ibang klaseng langis. Purong langis ng niyog ang ginamit. Dagdag pa po diyan ang betel o dahon ng nganga na ang pagkakaalam natin (nuon) ay ang mga matatanda lang ang gumagamit na hinahalo sa bunga ng betel nuts. Di po ako masyadong familiar sa pangalan ng bunga o nuts na iyon kasi po concentrate lang po ako sa betel leaves...sa ngayon. Taglish na po tayo...sorry po. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking Tagalog kung medyo hindi tulad nung natutunan natin sa ating subject na Pilipino nung araw na estudyante pa po ako. Ang hirap po kasi nun ah...minsan nga po bagsak pa ako sa subject na Pilipino :). Mahal ko po ang salawikaing Pilipino pero medyo mahirap po kasi ang tunay na tagalog ay talagang salita ng tunay na katagalugan. 

Balik po tayo sa Coco-Moringa Herbal Health Oil. Ang pinaghalong mga vitamins, minerals at medicinal properties ng malunyay na tinawag na "Miracle Tree", ang mga benefits ng niyog (coconut)  na tinawag na "Super Food" at ang medicinal properties din ng betel leaves (may naresearch na po ako tungkol sa betel leaves pero di ko pa po naipost), ang siyang nagkaisa para lalong lumakas ang bisa ng Coco-Moringa Oil.

Kung gaano katagal para tumalab sa isang gumagamit ang bisa ng tatlong super power na pananim, depende po iyan sa response at condition ng gumagamit. Ang bawa't tao po kasi ay magkakaiba ang kundisyon ng pangangatawan o ang tissue ng katawan ng bawa't isa sa atin. May mga cells po kasi na kung medyo matagal na ang sakit ay mabagal ang response. Iyong mga medyo nadamage na ang cells o tissue ay may posibleng di na talaban ng bisa ng kahit na anong gamot. Kung malakas pa ang cell o tissue ng gumagamit madali ang talab ng oil. Pareho lang din po iyan duon sa mga pasyente sa hospital na kahit na ano ang igamot na conventional medicine eh wala na din pong saysay kung talagang di kaya ng pasyente at ang kasunod eh...ang pagpanaw ng pasyente.

Ang pagkakaiba po ng natural remedy at sa conventional na gamot ay  natural po na nutrients na napapaloob sa pananim na siyang isupply naman po sa tao para lumakas at sumigla tayo. 

Sorry po, medyo may halo pong biro ang ang post ko para naman po di kayo mabored na magbasa. At saka blog po ito na di kailangan ang sobrang pormal :)

Ang Coco-Moringa Oil po ay "natural remedy" lang po. Ang nagagawa po ng Oil ay palakasin ang cells para labanan ang kaya niyang ayusin sa katawan natin. Kung kulang po tayo sa vitamins at minerals ay dadagdagan niya po. Lalo na po sa Moringa na kung may kulang sa katawan natin ay dinadagdagan niya at kung may sobra ay kinukulangan niya. 

Nung ginagamot ko ang mga taghiyawat ng anak ko hindi agad-agad na gumaling. Malalim na po kasi ang ugat ng mga taghiyawat niya kasi tinest na siya ng dermatologist. Ang dahilan na ayaw ko pong gumamit siya ng mga cream o kung ano pa man, bata pa siya at takot ako sa side-effect ng chemical. Kaya talagang gabi-gabi ang apply ko sa mukha ng anak ko, kasabay na din po ng gulay na malunggay na nilaga para malinisan ang intestines niya. 

Mga 3 weeks to one month. Mabagal po ang paggaling kasi malalim na ang ugat ng mga taghiyawat niya. Pero may isa pa po palang dahilan na mabagal ang paggaling. Habang pinagagaling ng oil ang taghiyawat ay pinagagaling niya din ang balat ng mukha ng anak ko kaya gumaling po ang taghiyawat na wala pong butas na bakas. 

Ang natural remedy po kasi ay natural ang ginagawang pagaayos ng anumang problema. Kaya po bigyan natin ng pagkakataon ang mga sarili natin na gumaling na mabagal man pero wala pong side-effect na paraan.

Magpagayon pa man, mayroon din po na mabilis ang paggaling. Iyan po ang isusunod kong ikuwento po sa inyo.

Salamat po uli sa inyong lahat. Ang kalusugan ay kayamanan.

No comments:

Post a Comment