Good morning po sa lahat. Ang karanasan ng isa nanamang user ng Coco-Moringa Oil na Mister ng isang kamaganak. May problema sa scalp ang Mister ng kamaganak naming ito na naging sanhi ng paglagas ng buhok sa kakakamot ng ulo kasi makati. Pag nanonood ng tv, ginagawang libangan ang pagutkot sa ulo. Ilang taon din niyang ininda ang problema niya sa scalp niya.
Nang gamitin niya ang Coco-Moringa Oil, unti-unti nawala ang kati at ang dati'y ginagalis niyang scalp ay unti-unti ding gumaling. Kasunod nun ang pagtubo ng maliliit na buhok sa scalp niya at sa ngayon nasa more than one inch na ang tumubo na mga buhok. Tuwang-tuwa nga ang Misis dahil lagi daw niyang sinusuklay. Katuwiran naman ni Mister, nakakatulong sa buhok ang laging sinusuklay.
Gusto ko pong isingit dito na ang mabilis o mabagal ng reaction ng oil sa katawasn ng tao eh depende sa tissue ng bawa't isa. Kung damaged na talaga ang tissue sa parte ng balat eh di na tatalab ang Oil. Baka po kasi umaasa ang mga nakakabasa na "lahat" madaling mapagaling ng Oil. Depende po iyan sa kundisyon ng tissue ng parte ng katawan. Malawak po ang kaalaman ko sa "natural remedy" kasi matagal akong naging tagapagbenta ng mga supplements ng iba't-ibang brands at ang una kong pinagaaralan eh ano ba ang benefits ng supplements sa katawan ng tao, ang process of detoxification, ang time span ng healing period na depende sa kundisyon ng isang tao. Ang natural remedy, either na mabagal o mabilis ang reaction sa isang gumagamit at depende nga po sa mga nababasa ko na galing sa mga scientists na nagpoprocess ng mga tunay na supplements (my mga synthetic kasi), mga doctors mismo at iyong mga may karanasan na ng mga gumagamit ng tunay na mga supplements, iyon po ang kanilang mga paliwanag. Duon ko po napalawak ang kaalaman ko sa tinatawag na "natural remedy" na siyang isineshare ko naman po sa inyo.
Balik po tayo sa topic. Mayroon din siyang rayuma at arthritis kasi mga 60+ na ang edad. Pag sinumpong namamaga ang paa lalo na pag mali ang nakain. Sabi nga ng Misis niya, dati daw pag namamaga ang paa ng Mister niya, matagal bago gumaling, pero simula ng ginamit niya ang Oil na Coco-Moringa madaling gumaling.
Dahil sa karanasang ito ng kamaganak, nagtiwala na siya sa Coco-Moringa Herbal Mix Oil. Minsan napadalaw ang ang Mister ng kamaganak na ito sa bahay ng isang kaibigan. Napansin niya ang alagang aso ng kaibigan na inuubo. Sabi ng mayari ng aso na dinala na daw niya sa pet clinic ang aso niya pero di pa din gumaling. May breed kasi ang aso. Ang ginawa ng kamaganak namin kasi may dala siyang Oil, inilagay niya ang Oil sa pagkain ng aso. Tapos nagiwan sa kaibigan ng kaunti at binilin na lagyan uli pag kumain ang aso. Pagkalipas ng pangatlong paghalo sa pagkain ng aso, nawala ang ubo ng aso at sumigla ulit. Kaya ang ginawa ng mayari, tumawag sa kamaganak namin at kumuha pa ulit ng 2 bottles na 30 ml. Maigi na daw ang may reserba in case na magkaproblema ulit ang aso niya.
Isa pang karanasan ng magasawa sa Coco-Moringa Oil. Minsan ipinalinis nila ang bakuran nila kasi marami ng mga damo at maliliit na puno na tumubo. Di namalayan ng naglilinis na mayroon palang bahay ng bubuyog sa isa sa mga puno na tinatagpas niya. Dahil nagalaw ang bahay ng bubuyog, sinugod ng bubuyog ang naglilinis at pinagkakagat sa parte ng mukha at braso ang naglilinis. Di na kasi niya nagawang tumakbo para magtago kasi mas mabilis pa ang lipad ng bubuyog papunta sa kanya.
Nagpanick ang magasawa nung nakita nilang namamaga na ang mukha at dalawang braso ng naglilinis. Alam nila ang kamandag ng bubuyog na madaling kumalat pag hindi naagapan. Mabuti at mayroon silang Coco-Moringa Oil sa bahay nila at agad na ibinigay nila sa naglilinis para ipahid. Naglagay pa sila ng kaunti sa isang maliit na bote at dala ng naglilinis pauwi.
Kinabukasan, masaya ang tagalinis na ipinakita sa magasawa na wala man lang bakas ng kagat ng bubuyog sa dati'y mga namamaga na parte ng mukha at braso.
Isa pang karanasan ng kamaganak naming ito. Iyong apo niyang lalaki na nagtatrabaho na ngayon, simula nung bata pa siya, may sakit na sa balat. Ito naman psoriasis. Ang ginawa ng kamaganak namin, ibinigay niya sa ina ng bata ang Coco-Moringa Oil para ibigay sa apo kasi bihira silang magpanagpo ng apo at nagtatrabaho na. Tinubuan ng psoriasis sa scalp (halos ganun sa Mister ng kamaganak), sa siko, sa ankles, kaya ang bata laging nakalong-sleeves pag pumapasok sa trabaho kasi nahihiya.
Dahil nagtatrabaho ang apo, ang kuwento ng anak niya na nanay ng bata ay sa gabi lang nagaaply, pagkaligo bago matulog. Bagama't minsan lang sa isang araw nagpapahid ang apo, madali namang nagkaepekto ang oil at sa loob ng tatlong araw na paggamit, nagumpisa ng nawala iyong parang kaliskis at ngayon nagsoshort-sleeve shirt na siya pagpasok kasi magaling na at di na masyadong napapansin ang bakas ng psoriasis. Paunti-unti namang nawawala ang bakas.
Marami pa po akong ipost na experience ng mga nakagamit. Hanggang sa muli. Kung may time pa po kayo para malaman po ninyo ang bisa ng oil kahit ipahid lang, pakibisita na lang po dito dahil po doctor ang nagsabi nito at base na din po sa sarili niyang research.
No comments:
Post a Comment